Wednesday, October 10, 2012

Ate Guy: Mga Kontribusyon

          Si Nora Aunor ay isang multi-awarded na Filipinong aktres, mang-aawit at produser.
Nanguna rin ang mga pinagbidahan niyang dula, palabas sa telebisyon at mga konsiyerto. Tinagurian siyang "Superstar in Philippine Entertainment Industry", “Philippine Cinema's greatest thespian and major icon” at siya rin ang nag-iisang aktres na nakatanggap ng “Centennial Honor for the Arts” na ipinagkaloob ng Cultural Center of the Philippines noong 1999. Siya rin ay binoto bilang “The Greatest Actress of All Time of Philippine Cinema”. Paulit-ulit na pinarangalan si Nora ng FAMAS Awards hanggang sa maluklok siya sa Hall of Fame. Hinirang siya bilang Best Actress sa Cairo International Film Festival para sa pelikulang The Flor Contemplacion Story, East Asia Film and Television Awards para sa Bakit May Kahapon Pa? (1996) at sa Brussels Festival of Independent Films para sa Naglalayag (2004). Binigyan si Nora ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ng walong Gawad Urian. May mga tropeyo rin siya mula sa Manila Film Festival, Metro Manila Film Festival, Film Academy of the Philippines, Philippine Movie Press Club at Catholic Mass Media Awards. Ginawaran rin siya ng mga parangal para sa Lifetime Achievement.

          Mayaman at matatag ang kontribusyon ni Nora sa Pelikulang Pilipino (Devera, 2012). Nakinabang ang radyo, telebisyon at entablado sa galing ni Nora, ngunit sadyang napakatindi at napakahaba ng pagsikat niya sa pelikula kaya't siya'y tinaguriang Superstar at Drama Queen o Philippine Movies. Tampok si Nora sa isa sa pinakamahusay na pelikula ni Ishmael Bernal, ang obra maestrang Himala. Lahat na yata ng papel na hahamon sa kakayahan ng isang artista'y nabigyang buhay na ni Nora. Siya ay naging api at babaeng nilapastangan. Naging hostess, madre, luka-luka, mang-aawit, titser, kasambahay, inang martir, inang disente, rebelde. Naging mayaman, naging mahirap. Ang kahirapan at kapaitan ng mga karanasan sa buhay ang nagsilbing balon ng mga damdaming isinalarawan at  nilinaw sa mga tauhang kanyang ginampanan, mga tauhang parating mabubuhay kapag pinatay na  ang ilaw sa sinehan at sinimulan nang palabasin ang pelikulang tampok ang isang tunay na alagad ng sining.

*Ang mga impormasyon na ito ay hango sa mga isunulat sa mga sumusunod:
  • Mellec Computer Center

Tuesday, October 9, 2012

Ate Guy: Blogs, Websites, atbp.


  • Si Nora Aunor... Ang tunay na aktres ng dekada '70 at '80

  • Superstar Nora Aunor: The Multimedia Superstar

  • My Only Superstar: My favorite Nora Aunor songs, images and movies

  • Superstar Nora Aunor Fan Site

  • Nora Aunor: ICON of Philippine Cinema


  • SUPERSTARSTRUCK: The Nora Aunor Fanatics Blog
               http://superstarstruck.weebly.com/

  • Mga Imbak na Marka: buhat – awit ni Nora Aunor 

Ate Guy: Base Sa Sinasabi ng Iba



"Nora Aunor is the only person to whom I hitch my wagon"... Ate Luds (Inday Badiday)

"Let's face it, Nora Aunor is the best actor the Philippines has ever had"... Vilma Santos

"I listen to Nora Aunor songs before I sleep"... Miss Universe Gloria Diaz

"She may not know it, but Nora Aunor is a genius"... Miss Saigon Lea Salonga

Sino ang pinakamahusay na aristang babae sa Pilipinas?

Yul Servo: Si Ate Guy! 
Alfred Vargas: Si Ate Guy!
Angel Locsin: Si Ate Guy!
Congresswoman Imee Marcos: Si Nora Aunor, Noranian ako!
Charo Santos Concio: Si Nora, Noranian ako!
German Moreno: Kailangan ko pa bang sagutin yan?
Lolit Solis: Noranian ako talaga!
Cocoy Laurel: Si Nora Aunor, no other!
National Artist Lino Brocka: Si Nora Aunor!

Ate Guy: Maria Leonora Teresa Cabaltera Villamayor

Araw ng kapanganakan: Ika-21 ng Mayo, taong 1953
Lugar ng kapanganakan: Iriga, Camarines Sur

          Nagtitinda lamang si Nora noon ng malamig na tubig sa gilid ng riles ng tren sa lungsod ng Iriga bago siya tanghaling kampeon ng “Tawag ng Tanghalan”, ang pinakapopular na amateur singing contest sa Pilipinas noong 1967.

          Labing-dalawang taong gulang noon si Nora nang kinailangan ng kanyang mga magulang ng perang pangmatrikula para sa kanyang nakatatandang kapatid. Si Nora na mahilig kumanta ay sumali sa “Darigold Jamboree”, isang popular na programa sa radyo, kung saan ang premyo na bente pesos ay ang eksaktong halaga na kailangan ng kanyang mga magulang. Nagtungo pa siya sa Naga para sa programang ito. Nagtagumpay naman siya na maipanalo ito at dito nagsimulang madiskubre ni Nora ang kanyang talento. Muli siyang nanalo sa “The Liberty Big Show”, ang kalabang programa ng Darigold. Ang pagkapanalo niya sa dalawang patimpalak ang siyang naghikayat sa kanya upang sumali sa “Tawag ng
Tanghalan”. Kasama niya ang kanyang ina patungo sa Maynila. Nakituloy sila sa kapatid ng kanyang ina na si Belen Aunor, na nagboluntaryong samahan si Nora sa bawat odisyon. Napagkasunduan nilang si Belen na ang tatayong nanay ni Nora sa harap ng publiko. Para maiwasan ang mga katanungan ay ginamit na rin ni Nora ang apelyido ng kanyang tiya. Kaya ngayon ay kilala natin siya bilang Nora Aunor.

          Ang kanyang mga magulang ay sina Antonia Cabaltera at Eustacio Villamayor. Nagkaroon siya ng isang anak, si Ian de Leon, sa kanyang dating asawa na si Christopher de Leon. Nag-ampon din sila ng dalawang babae at dalawang lalaki, sina Lotlot de Leon, Matet de Leon, Kiko de Leon at Kenneth de Leon. Kumandidato siya sa pagkagobernador sa Camarines Sur noong eleksyon ng 2001 ngunit siya ay natalo. Noong taong 2008 ay naging permanenteng residente na siya sa Estados Unidos.


Ang mga impormasyon na ito ay hango sa mga isinulat sa sumusunod:
  • L. Pareja
    Copied from the CCP Encyclopedia, FILM, p. 205-206
  • http://www.nora-icon.com/nora_ccp.html
  • http://www.imdb.com/name/nm0042124/bio